Kahinaan ng sistemang Demokrasya

Sa tingin mo ba perpektong sistema na gobyerno ang Demokrasya? Siguro kong ang nasa isip mo ay kalayaan o bilang malayang mamamayan, pero hindi naman ito pamantayan ng pag-unlad ng isang bansa. Ang mga sumusunod ay mga napansin kong mga problema o kahinaan na dulot ng sistemang ito.

Pero bago ang lahat hindi ako kontra sa demokrasya pinupunto ko lamang ang mga natatanging katangian ng sistemang ito at kanyang kahinaan.

Mga bagay sa sistema ng demokrasya na nagpapakita ng kahinaan nito. Click To Tweet

Mob Rule o Tyranny of Majority

Dahil sa likas na laro sa sistema ng demokrasya ang paramihan ay nahahati ang mga mamamayan nito. At ang kagustohan ng nakararami ay hindi lahat maganda kaya kong minsan natatamaan dito ang mga minorya. Ang karapatang-pantao na nakapaloob sa demokrasya ay nalalabag o di kaya ay nababago ayon sa kagustuhan ng nakakarami. Kadalasan ay napatungkol ito sa problema na binabalewala ng nakararami o kaya nagiging normal sa pang-araw araw na lamang ito kaya hindi na halos pinapansin ang mga paglabag o pagbabago.

Ito ay makikita sa mga lider na may malaking suporta ng tao o mga bagong halal sa Eleksyon. Ang kanilang natatanging karisma ang nagiging sandata sa minorya. Ang mga mamamayan ay nagiging neutral sa mga usapin o di kaya ay nagbubulag bulagan sa mga pangyayari na nagpapatunay ng Tyranny of Majority.

Villainy

Halos katulad din ng Mob Rule o Tyranny of Majority, ang Villainy ay iyong butas sa sistema ng demakrasya na kadalasan ay makikita sa mga namumuno na may Hidden Agenda.

 

Printed in March 1812, this political cartoon was drawn in reaction to the newly drawn state senate election district of South Essex created by the Massachusetts legislature to favor the Democratic-Republican Party candidates of Governor Elbridge Gerry over the Federalists. The caricature satirizes the bizarre shape of a district in Essex County, Massachusetts, as a dragon-like "monster". - wikipedia

Halimbawa dito ay ang pagtutol sa mga proyekto o plano ng oposisyon kahit na may kabuluhan o may laman. Dahil sa malaking sampal para sa administrayon na makakuha ng simpatya (credit) ang kalaban ay nagreresulta sa hindi pagsunod kong ano ang makakatulong sa bayan.

Ikalawang halimbawa dito ay ang Gerymandering (mula sa pangalan ni Elbridge Gerry 1744 - 1814 at ikalimang besi-presidente ng Amerika ng ipinasa nito ang batas para magbigay daan sa paglikha ng mga bagong distrito na makakatulong sa kanilang partido ang Republican). Ito ay kadalasang makikita sa mga panukalang batas na nagmumungkahi sa paghati ng isang distrito para makagawa ng isa pa. Kadalasan na dahilan ng mga politikong ito ay para sa kaunlaran pero kong susuriing mabuti para lamang ito sa kanila at hindi sila magbanggaan ng kapartido sa eleksyon.

Sa kabila ng pagkakaroon ng itinakdang patakaran sa pagbuo ng bagong distrito. Ito ay ang ratio na 250,000 (population) - 1 (representative) pero dahil na din sa utos ng korte suprema na nagsasabing hindi na kailangan na maabot ng bagong distrito ito basta ang kalahati ay nakaabot sa limit.

Tribal o Bloc Voting

Kong malaki ang kompiyansa at suporta ng isang kandidato na hindi siya papabayaan ng mga tagasuporta at kayang maipanalo ang eleksyon dito nagsisimula ang isang problema. Sa mga pagkakataong kanito ay wala o kung minsan ay mahina ang plataporma de goberno na kanyang isinusulong. Alang nila na kahit malabo ang kanilang mga plano at vision ay malakas pa rin ang kanilang loob na tumakbo, ito ay madalas na makikita sa mga dinastiyang pamilya sa politika.

Ang Religious Bloc-voting naman ay ikalawa sa halimbawa, kapag ang isang sekta na sinusunod ng kanyang mga tagasunod ay nagdekta sa kanila kong sino ang dapat na iboto o ipapanalo sa eleksyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay derekta ang mga ito sa pag-indorso ng isang politiko dahil ginagawa nilang rason na nagbibigay lamang sila ng gabay pero ang implikasyon ng kanilang impluwensya ay malaki. Ang 1987 Constitution ay may itinakdang nlimitasyon sa estado at simbahan and Article II, Section 6. Ito ba ay lumalabag ng konstitusyon kayo na magpasya.

Ang ikatlong halimbawa ng Bloc-Voting ay ang kapaligiran o ang mas tiyak na halimbawa ay ang kamilya. Ang pamilya na minsan ay hindi na natin napapansin na malaki ang papel nito sa pag-unawa sa usaping politikal at pagbuo ng paninindigan. Ito ay palagiang makikita kong ang pamilya ay sabay-sabay na nanonood ng telebisyon lalo na sa balita, ang membrong isang "Active Listener" o iyong palaging nagpapahayag ng kanyang opinyon sa mga usapin ay kadalasang nakakaimpluwensya.

Ang "Cognitive Dissonance" ang isang simpleng eksplenasyon sa ganitong problema. Unang una ang "Cognitive Dissonance" ay pagkakaroon ng magkasalungat na pananaw or paniniwala kahit na alam mo kong ano sa dalawa ang tama. Ito ay parang nasa isa kang pagpupulong at ng magtanong ang nasalita ay ang nasa paligid mo ay iba ang sagot sa nasa isip mo pero alam mo naman na tama ka at para di ka maiwan ng madla ay susunod ka na lamang sa sagot nila kahit alam mong mali ito. Nagpapakita ito ng kahinaan ng mga tao na maimpluwensyahan at ang masama pa dito ay alam nila mismo ang nangyayari.

Bakit masama ang pagkakaroon ng Bloc Voting? Click To Tweet

Short Term Plan

Dahil sa likas na katangian ng demokrasya na mayroon lamang takdang panahon ang bawat isa na manuno ay nagiging rason ito ng malamya na pangmatagalang plano. Makikita ang halimbawang ito sa trapiko. Sa pagdaan ng iba't ibang administrasyon ay may roon silang kanya kanyang plano sa pagresulba nito na nagiging ugat ng pagsalungat sa dati (administrasyon) o kaya paglala ng problema. Hindi nakatuon sa pangmatagalan ang kanilang mga plano na iyong susuportahan at ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon.

Eleksyon

Siguro ang pinakatampok ng demokrasya ay ang karapatan ng mga mamamayan na makilahok sa pagpili ng kanilang mamumuno, pero ito rin nagmumula ang pinakamalaking problema ng sistemang ito. Unang-una ay ang kamalayan ng mga botante sa mga isyu, paksa at problema ng bayan. Ano ang kanilang pag-unawa nito, ang kanilang paniniwala at problema na kinakailangan na solusyonan. Dahil sa likas na madaling mamanipula ang mga tao lalo ng ng medya.

Susunod ay ang immoral na gawain ng mga pulitiko. Isa dito ay kong may isang pagtitipon sa panahon ng halalan o caucus ng partido ng mga ito ay naghahakot ng mga tao. Ang mga tao naman na pumupunta sa mga patitipon na ito ay mas inaalala pa kong ano ang maiuuwi kesa sa pagkilatis ng mga sinasabi ng pulitiko. Ito ang kadalasan na sukatan ng mga ordinaryong mamamayan ng kanilang iboboto, kong sino ang nakabigay ng mas malaking halaga.

Ang ikatlong nakikita kong problema ng eleksyon sa sistemang demokrasya ay ang gasto, dahil na rin sa ang lahat ng posisyon ay may nakatakdang panahon lamang. Sa Pilipinas mayroong tatlong uri eleksyon sa kada tatlong taon. Ang Presidential Election, Mid-term Election at and Barangay Election. Ang gobyerno ay gumagasto ng malaki sa panahong ito upang masakot ang seguridad, paghahanda (sa eleksyon), information decimation, at iba pa. na pundong pwede sana na sumupurta sa mga planong pang ekonomiya.

Ang artikulong ito ay personal kong paniniwala at pananaw hindi ko ipinipilit o sinasabing mali ang sistema ng demokrasya at wala din akong inirerekomendang sistema dahil wala namang perpektong sistema. Kong may karagdagan kang punto o komento ilagaw lamang sa baba. Sa palagay mo ano ang Kahinaan ng Demokrasya?

Protected by Copyscape

Leave a Reply

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!

Pin It on Pinterest

Share This